Provincial Level DTI S.U.P.E.R. Consumer Quiz Show sa SM Activity Center, General Santos City.

Ngayong ika-15 ng Oktubre, 2024, isinagawa ang Provincial Level DTI S.U.P.E.R Consumer Quiz Show sa SM Activity Center, General Santos City.

Isang malaking tagumpay ang naabot ni Precious Ayumi R. Alejandria ng pangkat 10 Einstein. Nasungkit niya ang Unang Karangalan laban sa dalawampung paaralan sa katatapos lamang na S.U.P.E.R Consumer Quiz bee. Hindi lang ito isang personal na tagumpay para sa mag-aaral, kundi isang tagumpay din para sa buong paaralan.

Kasama sa kompetisyon ang taga-ensayo at tagapayo ng Araling Panlipunan Club na si Ginoong Euvil V. Cagas na siya namang sumuporta at tumulong sa ating kalahok simula pa ng unang araw ng kanilang pagsasanay. Ang iyong gabay at paghihikayat ay nakatulong sa kanya upang maabot ang isang tagumpay.

Coach: Sir Euvil V. Cagas

Photo credits to: Sir Euvil V. Cagas

New Society, Ato ni!

#AralingPanlipunanClub

#NewSocietyNHS